Isang Dipang langit
October 13, 2021
- Ipakilala ninyo sa akin si Amado V. Hernandez sa loob ng 50 na salita.
MAROT KARIN P. BSISM 2-A
Isang Dipang langit
Ni: Amado V. Hernadez
Ako’y ipiniit ng linsil na puno hangad palibhasang diwa ko’y piitin,katawang marupok, aniya’y pagsuko,
damdami’y supil na’t mithiin ay supil.Ikinulong ako sa kutang malupit bato, bakal, punlo, balasik ng bantay lubos na tiwalag sa buong daigdig at inaring kahit buhay man ay patay.Sa munting dungawan tanging abot-malas ay sandipang langit na puno ng luha, maramot na birang ng pusong may sugat,
watawat ng aking pagkapariwara. Sintalim ng kidlat ang mata ng tanod,sa pintong may susi’t walang makalapit sigaw ng bilanggo sa katabing moog,
anaki’y atungal ng hayop sa yungib.Ang maghapo’y tila isang tanikala na kala-kaladkad ng paang madugo ang buong magdamag ay kulambong luksa
ng kabaong waring lungga ng bilanggo.Kung minsa’y magdaan ang payak na yabag, kawil ng kadena ang kumakalanding sa maputlang araw saglit ibibilad,
sanlibong aninong iniluwa ng dilim.Kung minsan, ang gabi’y biglang magulantang sa hudyat – may takas! – at asod ng punlo kung minsa’y tumangis ang lumang batingaw, sa bitayang moog, may naghihingalo. At ito ang tanging daigdig ko ngayon –bilangguang mandi’y libingan ng buhay;sampu, dalawampu, at lahat ng taon ng buong buhay ko’y dito mapipigtal.Nguni’t yaring diwa’y walang takot-hirapat batis pa rin itong aking puso piita’y bahagi ng pakikilamas,mapiit ay tanda ng di pagsuko.
Ang tao’t Bathala ay di natutulog at di habang araw ang api ay api, tanang paniniil ay may pagtutuos,habang may Bastilya’y may bayangaganti.At bukas, diyanm din,akingmatatanaw sandipang langit na wala nang luha, sisikat ang gintong araw ng tagumpay…
layang sasalubong ako sa paglaya!
Suriin kung anong uri ng tula? Anong Teoryang pampanitikan ang angkop
gamitin sa pagsusuri?
- Ang tulang sinulat ni Amado V. Hernandez ay ginawa nya ito habang nasa loob pa sya ng kulungan. ang kwentong ito ay nakabasi sa kanyang karanasan. at itoy nakaangkop sa teoryang bayograpikal dahil ang diwa/tema na nilalarawan sa tulang ito, ay tinatalakay ang karanasan nya sa loob ng kulungan habag itoy nagdudusa
- Anong taglay na diwa/tema ang inilalarawan ng persona sa tula.
Piliin ang pinakamagandang saknong na iyong nagustuhan at bigyan kung
bakit mo ito napili.
- Ito ang napili kong saknong dahil sa kwentong ito sinasabi nyang parang ang bilangguan ang kanyang libingan. sa kwentong ito parang nawalan na sya ng tiwala at parang don na matatapos ang buhay nya.
- Ipakilala ninyo sa akin si Amado V. Hernandez sa loob ng 50 na salita.
-Si Amado V. Hernandez ay makata, nobelista, mandudula, peryodista, at itinanghal na Orden ng mga Pambansang Alagad ng Sining sa larangan ng panitikan. Nagsulat din siya sa ilalim ng mga pangalang Herminia dela Riva, Amante Hernani at Julio Abril. Isinilang siya noong 13 Setyembre 1903 sa Tundo, Maynila, at supling nina Juan Hernandez at Clara Vera. Napangasawa niya si Honorata "Atang" de la Rama na tinaguriang "Reyna ng Kundiman" na napabilang din sa Orden ng Pambansang Alagad ng Sining. Nag-aral si Hernandez sa Manila High School sa Gagalangin, Tundo, Maynila; at sa American Correspondence School at doon niya nakamit ang titulong batsilyer sa sining.
Gawing maikling kuwento ang tulang “Isang Dipang Langit” ni Amado
Hernandez.
-Ang kwentong ito ay tungkol sa lalaking nakulong sa kasalanang di nya nagawa sya ay si Amado V. Hernandez. Ang kwento nya ay napakapait noong nasa kulungan sya, habang sya ay nakulong ibinahagi nya ang kanyang buhay habang nasa bilangguan sya kong gaano kahirap sa loob. nasabi nyang ''ito ang tanging daigdig ko ngayon - bilangguang mandi'y libingan ng buhay; sampu, dalawampu, at lahat ng taon ng buong buhay ko'y dito mapipigtal.'' parang matatapos ang buhay nya sa bilangguan, ngunit naniniwala syang balang araw makakalaya sya at papabor s kanya ang panahon